UNANG PASYENTE SA ZAMBALES SASAILALIM SA QUARANTINE PROCESS DAHIL SA NCOV


Iba, Zambales –– Isang pasyente ang kauna-unahang napaulat ngayon sa lalawigan ng Zambales ang kabilang sa patients under investigation (PUI’s) habang walong iba pa ay naitalang under observation din para sa novel corona virus (nCoV), ayon sa datos mula sa Department of Health (DOH) sa Gitnang Luzon.

Ngayong Biyernes lamang ay napaulat na umabot sa 30 na ang bilang ng mga pasyente na sumailalim sa (PUI’s) sa buong gitnang Luzon, na may bilang na 10 sa lalawigan ng Pampanga, walo sa Tarlac, lima sa Bataan, apat sa Bulacan at dalawa sa Nueva Ecija. 

Habang ang ilan naman ay nasa ilalim ng persons under monitoring (PUM’s) na napaulat na may sakit at nakikitaan ng ilang mga sintomas, na umaabot sa 96 pasyente kasama ang lalawigan ng Tarlac na may 35; Pampanga, 21; Bulacan,10; Aurora siyam, Nueva Ecija, 9; at apat naman sa Bataan.

Samantala, 13 pasyente naman mula sa Bataan, Bulacan, Pampanga, at Tarlac ang natuklasang negatibo sa nCoV, ayon sa DOH.


Comments