IBA, ZAMBALES –Mahigit sa 400 mga kumpiskadong tambutso ng motoriklo ang pinadaan sa pison hanggang masira sa Zambales Provincial Police Office sa Camp Conrado Yap kahapon.
Pinangunahan ni Zambales Provincial Director Senior Supt. Felix Verbo, Jr., ang pagsira sa 413 piraso ng mga nakumpiskang tambutso dahil sa pagiging sobrang maingay nito bunsod ng ginawang modipikasyon.
Ang pagsira sa mga kumpiskadong tambutso ay alinsunod sa Muffler Act of 2016, ang batas na nagbabawal at nagpaparusa sa may-ari o gumagamit ng mga sasakyan na walang muffler o tambutso o kaya ay yaong mga sira o binago na nagpapalakas sa ingay na nililikha ng sasakyan, at nakadaragdag sa noise pollution sa kapaligiran.
Paliwanag ni Verbo, ang mga modified muffler ay kinumpiska habang nakakabit sa mga motorsikoo makaraang dumaan sa police checkpoint na makikita sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan.
Naitala ang pinakamaraming bilang ng nakumpiskang modified muffler sa bayan Sta. Cruz na umabot sa 77, habang tatlo lamang sa bayanng Palauig.
Kasunod ng pagwasak sa mga modified muffler, nanawagan si Verbo sa mga may-ari ng motorsiko na huwag nang gumamit ng mga sobrang maiingay na tambutso o modified muffler na ipinagbabawal ng batas at upang makaiwas sa multa.
Base batas, sa unang paglabag ay papatawan ang may-ari ng motorsiklo o drayber nito ng halagang P10,000, habang P15,000 naman sa pangalawang pagkakataon.
Kung mahuli sa ikatatlong paglabag, pagmumultahin ang may-ari o drayber ng motorsiklo ng halagang P20,000 at pagkansela ng lisensya. Ito ay ayon sa National law na kanilang ipatutupad.
Dumalo sa nasabing okasyon sina P/Insp Marlon Agno, hepe ng Highway Patrol Group Zambales; Jeffrey Gonzales, hepe ng Licensing Division and Motor Vehicle Inspector ng Land Transportation Office (LTO-Iba); kasama ang mga hepe ng pulisya at Traffic Management Group ng bawat bayan.
Comments
Post a Comment