1 PATAY, 1 SUGATAN SA PANANAMBANG SA BAYAN NG BOTOLAN ZAMBALES

BOTOLAN, Zambales - Patay ang isang lalake habang sugatan naman ang angkas nito sa motor matapos pagbabarilin ng isang lalakeng rider na nakasalubong ng mga ito habang binabaybay ang daang patungong norte sa bayang ito kanina.(Marso 12) 

Base sa spot report mula kay P/Captain Bryan Christopher L. Baybayan hepe ng Botolan Police, ang insidente ay naganap dakong-10:45 ng umaga sa kahabaang ng Zambales- Tarlac Road, Barangay Santiago, Botolan Zambales.

Ang mga biktima ay kinilalang si Randy Diaz;43, na nagtamo ng tama ng baril sa batok sa hindi pa matukoy na calibre na naging sanhi ng pagkamatay nito at ang angkas nitong si Jun Fortin;44, na nagtamo naman ng mga galos sa katawan sanhi ng pagbagsak ng kanilang sinasakyang motor na kapwa residente ng Barangay Amungan, Iba Zambales. 

Ayon naman sa ilang mga residente na nakakakilala sa mga biktima ang dalawa ay kilala umano na sangkot sa mga insidente ng pag nanakaw sa lugar. 

Samantala, kasalukuyang nagsasagawa ng manhunt operation ang kapulisan sa suspek at pag-iimbestiga sa lugar.




Comments