BABAE PATAY, MATAPOS MAHULOG MULA SA IKATLONG PALAPAG NG ESKWELAHAN




OLONGAPO CITY - Isang babaeng estudyante ng Gordon College ang namatay matapos bumagsak mula sa ikatlong palapag ng kanilang gusali kaninang umaga .  

Ayon sa  investigator, nakuhanan ng CCTV ang isang babaeng estudyante na nakaupo sa terrace ng ikatlong palapag bago pa siya nakitang bumagsak sa ground floor nito dakong alas-8:20 ng umaga. 

Dagdag pa ng otoridad, maaaring isa sa motibong nakikita rito ay ang pagpapakamatay, dahil nabanggit umano ng kanyang mga kamag aral na nag-iwan ito ng isang tala na nagsasabi ng problema sa kanyang pamilya.

Bago pa namatay ang biktima nabanggit din ng kanyang mga kamag aral ang hindi pagtanggap ng kanilang guro sa isang proyekto na ipinasa nito.

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang  imbestigayson ng kapulisan maging ang mga  opisyal ng paralan kung mayroon pang ibang motibo sa pagkamatay ng biktima  o foulplay na nangyari. 

Comments