BABAENG BIKTIMA NG SALVAGE, NATAGPUAN SA HIGHWAY


SAN FELIPE, Zambales- Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ang natagpuan na pinaniniwalaang biktima ng summary execution kaninang umaga sa Barangay Maloma sa bayang ito.

Ayon sa ulat ni Police Captain Ramil Menor, hepe ng San Felipe Police Office, ang biktima ay inilarawan na may taas na 5’2’’ hanggang 5’4”, katamtaman ang pangangatawan, may edad na 35-40 taong gulang, nakasuot ng maong na pantaon, nakabra lamang ito, sapatos na pulang Adidas at may tattoo na mickey mouse sa ibabang likuran at pusa naman sag awing batok.

Ayon pa sa ulat, ang biktima ay matagpuan ng mga residente ganap na ika-6:35 ng umaga sa kahabaan ng National Highway sakop ng Sitio Tikob, Barangay Maloma, San Felipe na nakadapa, may ballot ng garbage bag ang ulo nito, nakatali ang mga kamay sa likod at nakatali din ang mga paa.

Isinailalim ang biktima sa awtopsiya ng Zambales Provincial Crime Laboratory office, upang malalim na pag-aralan ang sinapit nito, gayundin kung makakakuha ng “lead” na makakapagturo sa mga salarin.


Comments