MENOR de EDAD PARAUSAN NG AMA AT TIYUHIN, SARILING INA KASABWAT!!



CAGAYAN - Nagalakas loob ang isang 11 anyos na batang babae na ipaaresto ang kanyang ama, tiyuhin matapos siyang gawing sex slave o parausan ng mga ito dahil kinukunsinti at auae ipaalam ng sariling nanay na halos dalawang taon na sa bayan ng Sto. Niño, Cagayan. 


Ayon kay Sto. Niño Police Station (SNPS) commander Arnulfo Gabatin, ang ama at tiyuhin ay hindi muna pinangalanan hinggil na rin sa ginagawang imbestigasiyon. 


Samantala, sinabi rin ng SNPS na pilit ding tinatago ng ina ni Karen (hindi niya tunay na pangalan) ang panggagahasa upang hindi malaman ng mga awtoridad. Tutol din umano itong sampahan ng kasong rape ang asawa nito at ang 14-anyos na kapatid ng kanyang mister. 


Dahil dito, nagpunta mismo ang biktima sa SNPS upang ireklamo ang mga suspek sa panggagahasa aniya rito. 


Sa ulat ng pulis, dahil umano pabaya ang ina ni Karen, tangka pa nitong itago ang krimen sa kabila ng pag-amin sa pulisya ng ama sa pangmomolestiya sa sariling anak sa loob ng dalawang taon. 


Bukod sa ama, tinuro din ni Karen ang kanyang 14-anyos na tiyuhin na humahalay din sa kanya sa loob ng kanilang bahay. 


Nakakulong ang ama at tiyuhin ni Karen sa SNPS detention cell at pinag-aaralan ngayon ng awtoridad kung anong kaso ang puwedeng isampa laban sa nananahimik na ina ni Karen. 


Comments