NAAAGNAS NA BANGKAY NG ISANG LALAKE NATAGPUAN!!



OLONGAPO CITY – Isang naaagnas na bangkay ng lalake na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan malapit sa isang waterfalls sa Barangay Gordon Heights kaninang umaga sa lungsod na ito.

Sa impormasyong nakuha kay Gordon Heights Barangay Chairman Priscilla "Kap Echie" Ponge, ang biktima ay tinatayang may taas na limang talampakan, nasa edad 70 taong gulang pataas, may suot na puting damit at pantalon na itim at naka-jacket ng kulay asul.


Photo Caption: Pinagunahan ni Kap. Echie Ponge 
kasama ang grupo ng rescue team 
ng Barangay


Kasama ang rescue team at barangay tanod, nagtungo si ni Ponge sa itinurong lugar sa Block 7, Upper Sander, Duhat St. Purok 6 ng Barangay Gordon Heights, kung saan natagpuan ang naaagnas na bangkay, labas na ang bungo nito at may nakataling alambre sa gawing panga nito.


Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa biktima, gayun din ang posibleng pagtukoy sa motibo at salarin sa pagpatay.

📷:Capt. Echie Ponge & Caloy De Leon

Comments