SAF TRAINEE NA INAGOS NG TUBIG HINDI PA RIN NAKIKITA


MASINLOC, Zambales - Patuloy pa rin ang isinasagawang paghahanap ng mga volunteers recuers, divers ng PNP Special Action Force (SAF) kay Patrolman Melvin Anacio Durante ng SAF trainee ng class 87 ng 2018 matapos tangayin ng malakas na agos sa ilog ng kilometer 19 ng barangay Baluganon sa bayang ito noong nakaraang linggo. 

Ayon sa salaysay ng pulisya dumating na rin ang mga kamag-anak ni Durante mula sa Benquet para tumulong sa mga otoridad para hanapin ang mga labi nito na halos walong araw na nawawala.

Matatandaan noong nakaraang linggo ng Martes ika- 10 ng Setyembre ng magsagawa ang grupo ni Durante ng isang training combat mission nang subukan nitong tawirin ang malakas na ilog at maglagay ng lubid sa kabilang panig ng bigla itong tangayin ng malakas na agos hanggang sa hindi na ito mamataan ng kanyang mga kasamahan.

Sinubukang hanapin ito ng mga kapwa SAF ngunit hindi na ito nakita hanggang ngayon. 

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang search ang rescue ng mga otoridad at umaasang makita ang mga labi ng biktima.

Comments