2 PATAY, ISA SUGATAN SA PAMAMARIL SA OLONGAPO


OLONGAPO CITY - Patay ang dalawang katao habang kritikal naman ang isa, dahil sa tama ng bala sa ginanap na pamamaril sa kahabaan ng Rizal Avenue sa lungsod na ito dakong als-10:30 ng umaga kanina.


Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, matapos silang pagbabarilin ng isang dayuhang kasama nila sa loob ng kotseng kulay maroon na Mitsubishi Mirage na may conduction number na B1 D469, naiwang patay ang isang dayuhan at kasama nitong pinay,habang kritikal naman ang isa ring dayuhan na nagmamaneho na nakagapang pa at nakalabas sa katabi nitong hardware para humingi ng saklolo, habang ang batang babae na karga ng nasawing pinay ay ligatas. 



Agad naman isinugod sa pibnaka malapit na ospital ang driver na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang tagiliran. 



Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon sa naganap na pamamaril at pagkakakilanlan sa suspek at sa motibo nito.

Comments