APAT NA MEYEMBRO NG BROILERPRENUER, INVESTMENT SCAM HULI SA ENTRAPMENT NG CIDG


BULACAN - Arestado ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang apat katao kabilang ang dalawang babae na kapwa empleyado ng kumpanyang "Boilerprenuer  na umanoy isang investment Scam , dahil sa paglabag sa  Sec.28 ng Republic  Act 8799.

Sa report na ipinadala ni P/Lt.Col. April Mark Young,kinilala ang mga nadakip na sina Mary Jane Aberos 45 ,Richelle Hernandez 33, at dalawang pa na sina Jarwin John Balosca 21 at Reo Mark Borbon 30

Nabatid na isa sa nga pulis ang nagpanggap na kliyente, ng kumpanya,kung saan ini-abot nito ang P3,000.00, ganap na alas-4:00 ng  hapon sa Universal Tower  West Ave.Quezon City.

Hudyat ito para arestuhin ng CIDG at BIN ang mga suspek,na illegal ang mga transaksyon, habang nag resist si richelle hernandez.

Samantala patong-patong na kaso ang isasampa ng mga pulis,sa mga suspek kabilang dito ang Direct assult,resisting arrest,Disobidience ang obstruction of justice. (Thony Arcenal)

Comments