DATING OPISYAL NG NPA, ARESTADO SA BULACAN


BULACAN - Inaresto via warrant of arrest ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Branch,at Marilao pulis ang dating opisyal at Secretary ng New Peoples Army ng Bulacan Provincial Comittee Execom.

Kinilala Pnp Provincial Director P/Col.Chito Bersaluna ang nadakip na si Digna Mateo Y dela Vega, 57 anyos,alyas ka Digna,@ Aide @Aye @Yesa @Hillary residente ng Bocaue Bulacan.

Dinakip si Ka Digna,sa bisa ng warrant of arrest cc.no 5721-M-2016 sa kasong Murder.

Ganap na ala-1:45 ng hapon ng ma aresto ang suspek sa isang Kapilya sa Brgy, Lias Marilao bulacan.

Nabatid na si Ka Digna, ay kabilang sa 8 meyembro ng NPA, na naka engkwentro ng 56 IB ng PA sa Brgy, Paradise 3 sa syudad ng San Jose Del Monte noong 2011.

Kung saan napatay sa bakbakan si Cpl. Michael B Reyes.

Si Ka Digna, ay dating Secretary ng kilusan na ngayon ay nagsisilbing Coordinator ng Allaince Of Concern Teachers(ACT Partylist).

Samantala kasalukuyang nasa kostudiya ng PIB si Ka Digna. (Thony Arcenal)

Comments