TRUE STORY: KATATAKUTAN STORY MUNA TAYO!!!



Excited pa naman ang anak kong si Venice para sa fieldtrip nila kasama daddy niya. Pero agad ko silang pinabalik ng bahay pagkakita ko sa picture na to.

 Assembly time na yan ng lumabas ng bus si ER para mag vape. Pinicturan niya si Venice tapos sinend niya sakin sa messenger. Tinawagan ko siya agad sabe ko sino si Venice sa pic. Dalawang Venice ung nasa pic. Magkaiba ng pwesto. Sabe niya ha anong pinagsasabe mo. Chineck ni ER ung sinend nya at agad nyang binalikan si Venice sa loob para umuwi na sila. Yung totoong pwesto ni Venice ayung nakahawak dalawang kamay sa bintana. Yung nasa gilid na naka 🤙 na kamay at nakangisi, hindi si Venice un. Walang bata na nakaupo dun. Bakante. Meron din parang makapal na buhok sa likod nung totoong Venice.

Lord, protect mo po lahat ng kasama sa fieldtrip nila. Hindi ko na pinasama mag ama ko sa takot ko.

Ewan ko pero ngayon lang ako nakaranas ng buong katawan ko nangilabot.

Ps WALANG BATA NA NAKAUPO SA KABILANG UPUAN. BAKANTE UN PAG AKYAT NI ER. 😱

*May video po sa comment section na hindi inedit ng daddy ni venice ang picture from Ms. Vanessa

CTTO Vanessa


Comments