Mga Suspek sa ambush kay Vice Mayor Yuson ng Masbate, arestado na.



BULACAN- Kinilala na ni MPD Director, P/Brigadier General Vicente D. Danao, Jr., ang mga suspek na sina Bradford Solis, 41, helper, Juanito de Luna, 54, magsasaka, kapwa ng  Brgy,Poblacion, Camiling, Tarlac, Rigor dela Cruz 38 driver ng Brgy, San Jose Camiling Tarlac at  Junel Gomez, 36, binata,  driver, ng Barangay San Jose, Biñan, Laguna.

Ayon kay Danao ang apat na suspek ang lulan ng kulay Silver Gray na van na may plakang ACM 8804 na nasukol ng mga tauhan ng MPD sa inilatag na dragnet operations ilang minuto matapos na isagawa ang pananambáng kay Vice Mayor Charlie Yuson-lll.

Aniya  kasong murder ang isasampa ng pulisya laban sa apat na hinihinalang salarin.

Samantala isinasalang na sa paraffin test ang mga suspek upang matukoy kung sino sa kanila ang bumaril sa biktima.

Habang ang mga narekober na baril sa sasakyan ng mga suspek ay isinailalim na rin sa ballistic examination ng MPD crime laboratory.

Inaalam na rin kung sino ang may ari ng Van na may plakang ACM 8804.(Thony Arcenal)

Comments