PHILIPPINE COAST GUARD, MAY BAGONG PINUNO


MANILA- Itinalaga  na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice Admiral Joel Garcia bilang bagong commandant ng Philippine Coast Guard (PCG).

Si Garcia ay Deputy Commandant for Administration ng PCG bago ang pagpili  sa kaniya pangulo bilang pinuno ng coast guard.

Nakasaad sa letter of appointment na inilabas ng coast guard na ang pagtatalaga kay Garcia ay pinirmahan ng pangulo noong Oct. 21.

Si Garcia ang magiging ika-28 commandant ng PCG.

Inaasahang sa Oktubre 24 pormal na magsisimula sa pwesto si Garcia kapalit ni Admiral Elson Hermogino na magreretiro sa pwesto.

Si Vice Admiral Garcia ay nagtapos sa Philippine Merchant Marine Academy at isang license master mariner.(Thony Arcenal)

Comments