WANTED NA DATING MAYOR HULI, KLASE NG BARIL AT BALA NASAMSAM SA TAHANAN


Romeo Lonzanida
FORMER MAYOR SAN ANTONIO ZAMBALES 

SAN ANTONIO, Zambales - Arestado ang dating Mayor ng bayang ito matapos iserve ang search warrant sa kanyang at kasabay na nahulihan ng mga armas sa kanyang tahanan kaninang madaling araw nitong Martes.

Base sa report mula kay Capt. Marvin Domacena, hepe ng San Antonio police, ang suspek ay kinilalang San Antonio Ex-mayor Romeo Lonzanida,85; ay naaresto dakong alas-3:00 ng umaga sa kanyang bahay sa Barangay Burgos, San Antonio Zambales.

Ang operasyon ay pinangunahan ng mga tauhan ng anti-kidnapping group na nakabase sa Camp Crame na nagsilbi ng warrant of arrest kaugnay sa mga aramas nito na hindi nakarehistro na nakapangalan sa dating Alkalde, at dito nga narekober ang mga baril na naayon sa kanyang warrant.

Nasamsam mula sa pagmamay-ari ni Lonzanida ang dalawang long fire arms na M16 rifle at M14 rifle na may magazine at may mahigit na 50 klase ng bala.

Napag alaman pa na may finality na si Lonzanida hinggil graft case nito kung saan convicted ito sa 8 counts ng graft na may parusang 80 years of imprissoment.

Samantala, ayon naman sa pahayag ni Lonzanida, inamin naman niya na may mga armas siyang hindi pa naiparehistro pero inaayos na niya ang affidavit of loss para ipadala sa PNP at isa nga sa dahilan ay napag alaman niya na may kaso siyang graft ay nagtago siya ng mahigit sa sampung taon.




Comments