APAT NA CARNAPPER,TUMBA SA ENGKWENTRO


Bulacan -  Bulagta ang apat na kalalakihan na umano,y miyembro ng  carnapping syndicate ng makipag engkwentro habang nagsasagawa ng hot pursuit operation sa bahagi ng Brgy Banga 1st at Brgy Bagong Silang, Plaridel Bulacan

Sa inisyal na report ni P/Lt.Col.Victorino Valdez kay Pnp Provincial Director P/Col.Chito Bersaluna ganap na alas- 3:50 ng madaling araw kanina (Nov.3) ng masukol ang mga suspek sa Baypass road habang lulan ng isang kotse na kulay Gray na may plakang AHA-2068 na umano,y ninakaw ng mga suspek.

Natunton ang mga carnapper,makaraang dumulog sa tanggapan ng pulis ang isang Michael Reyes Y Cruz, 27  anyos beautician, residente ng Brgy Longos, Pulilan,  na inagawan ng sasakyan.

Aniya badang alas- 2:45 ng madaling araw, nagtungo sya sa isang convenience store para bumili ng pagkain ng lapitan sya ng dalawa sa apat na suspek kung saan tinutukan sya ng baril at sapilitang kinuha ang susi ng kanyang kotse.

Matapos ito,y mabilis na tumakas ang mga suspek habang isang motorsiklo ang nakasunod sa tinangay na sasakyan.

Dahil dito agad na inalarma ang mga pulis para sa drag net at hot pursuit operation na nagresulat sa ilang minutong palitan ng putok ng baril.

Samantala na recovered ng Soco sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang cal 45, isang  uzi sub machine gun, 2 cal. 38 at ang kinarnap na toyota vios.(Thony Arcenal)

Comments