3 BANGKAY NATAGPUAN,SA LOOB NG SINUNOG NA KOTSE SA QUEZON



TIONG, Quezon - Kasalukuyang iniimbestigahan ng NBI, CIDG at SOCO at mga pulis  ang natagpunang kotse sa Brgy, San Francisco sa bayan ng Tiaong, Quezon kaninang madaling araw.

Sa inisyal na impormasyong ni PMaj.Panganiban, hepe ng Tiaong Police Stn, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang residente na may nasusunog na sasakyan sa may tulay ng San Francisco sa Barangay San Francisco pasado ala-una ng madaling araw.

Halos wala ng pakikinabangan sa Honda Civic na may plakang DAN 6374 na sinasakyan ng isang dating kongresista sa ikalawang distrito ng Batangas na alyas atty.Ed Mendoza.

Nakita rin sa loob ng tupok na sasakayan ang dalawa pang katawan ng tao, na hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan.

Ayon naman sa NBI, posibleng pinatay muna ang mga biktima,bago sinunog ang kotse.

Samantala nakita naman ng mga pulis sa ibang bahagi ng ilog ang mahahalagang gamit ng dating kongresista.

Kaugnay nito,inaalam pa ng mga awtoridad kung sino at ano ang motibo ng karumaldumal na pagpatay sa mga biktima na kapwa may mga tama ng bala ng baril sa katawan.(Thony Arcenal)

Comments