GILIT NA LEEG NG ISANG BANGKAY NA LALAKE NATAGPUAN


Credit Photo: BNFM Olongapo

OLONGAPO CITY - Isang bangkay ng lalake ang natagpuang sa kanyang pinagtatrabahuhan sa barangay New Cabalan na laslas ang kanyang leeg kaninang umaga. 

Sa live interview ng isang Radyo (Brigada News FM, Olongapo) sa kapatid ng biktima na si Mario ang biktima ay nakilalang si Pacifico Merin, 61; ng Sta Cruz Zambales, biyudo at kasalukuyang bodigero sa isang konstraksyon site na kanyang pinagtatrabahun sa Purok 3, Atis Street, New Cabalan, Olongapo City kung saan siya natagpuang patay.

Ayon  naman kay kagawad Jong ng nasabing barangay,  mabilis umano silang rumesponde sa nasabing insidente matapos tawagan sila ng mga trabahador dito na papasok na sana sa konstraksyon dakong alas-8:00 ng umaga nang makita nilang wala ng buhay si Pacifico. 

Samantala, kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng SOCO hinggil sa pagpatay sa biktima. 

Comments