INDIAN NATIONAL PATAY SA AKSIDENTE DAHIL SA ASO



SAN ANTONIO, ZAMBALES - Dead on arrival na ang isang Indian national matapos maaksidente sa kahabaan ng Barangay Natividad sa San Antonio, Zambales noong Martes.
Base sa report na pinadala kay Zambales PNP Director PCol. Ponce Rogelio Penonez Jr., ang biktima ay kanilalang si Makhan Singh, 42, residente ng Barangay Burgos.
Sa inisyal na imbestigasyon ng San Narciso police, dakong alas-5:00 ng hapon noong Enero 7, habang binabaybay ni Singh sakay ng kanyang motorsiklo ang kahabaan ng Barangay Natividad, sinabi ng isang nakasaksi na bigla umano itong hinabol ng nakawalang aso, na naging dahilan kaya nawalan ito ng kontrol sa manibela at nahulog sa isang malalim na kanal.
Agad naman itong nirespondehan ng kapulisan at mabilis na tinakbo sa pinakamalapit na pagamutan, ngunit hindi na ito umabot pa nang buhay.

Kindly Click the link for Additonal Details.
https://tnt.abante.com.ph/indian-hinabol-ng-aso-dedo/

Comments