MAYOR ISKO, NAKASABAT NG HALAGANG P15M HALAGA NG EXOTIC MEAT


BINONDO MANILA -Ikukulong ko iyan, kahit mga Intsik pa sila, ito ang simabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa isang Chinese national na nagtatago at nahulihan ng 6.1 toneladang ipinagbabawal na karne na galing sa turtles, sea lions at iba pang exotic animals sa Binondo.

Nasabat ng Manila Veterinary Inspection Board mula kay Cai Chang Fen ang 6.1 tonelada na kontrabandong karne na may halong exotic meat.

Ang nakumpiskang karne ay nagkakahalaga ng humigit kumulang P15 milyon. (Mayor Isko Moreno Page)

Comments