MGA EVACUEES SA BATANGAS NAKAKUHA NG DAGLIANG SAYA



BATANGAS - Sa kabila ng kalungkutan, hirap at marami pang problema ng nga residenteng evacuees sa evacuation centers dito sa Batangas, nakaisip sila ng paraan para mapawi kahit konti ang problemang kanilang dinaranas sa kabila ng pagputok ng Bulkang Taal.

Makikita sa mga larawan ang pag rarampa nila sa mga kasuotang kanilang natanggap mula sa mga nag donate nito sa kanila.

Sa isang Facebook Page na “We Love Philippines”, makikita ang ibat iba nilang kasuotan na kanilang natanggap tulad ng mga uniporme ng eskwelahan o kaya ay uniporme ng iba't-ibang trabaho gaya ng nurse, security guard, at iba pa. Meron ding nagbigay ng mga damit na para sa pormal na okasyon pati na rin ang mga dance costume.

Tignan ang mga nakaka-aliw na larawan ng mga BatangueƱo:













Comments