BABAE NATAGPUANG PATAY NA BIKTIMA NG PANGHAHALAY



PALAUIG, ZAMBALES – Isang babae ang biktima ng panghahalay at pagpatay matapos itong matagpuan sa isang liblib na lugar sa bayang ito noong Miyerkules.

Base sa report ng Zambales Provincial Police Office, ang biktima ay natagpuang dakong alas-2:00 ng madaling araw sa isang kubo na wala ng damit pang ibaba at may malaking sugat sa ulo nito, kinilala ang biktima na si Mary Grace Ebalobo; 28, walang trabaho at residente ng Purok Maligaya, Barangay Bulawen, Palauig Zambales. 

Agad namang nagsagawa ng imbestigasyon at manhunt operation ang kapulisan sa bayan ng Palauig at mabilis na naaresto kinahapunan ang dalawang lalake na huling namataang kasama umano ng biktima.

Ang  mga suspek ay kinilalang sina Adrian Manglicmot;23, binata,  walang trabaho  at Rey Apostol ;24, binata  at isang construction worker na pawang mga residente ng Barangay Bulawen sa bayan ding ito. 

Samantala, dalawang suspek ay nakakulong na sa Palauig Police station at nakatakda nang sampahan ng kasong rape at pagpatay kay Ebalobo. 

Comments

Post a Comment