DALAGITA, NI-RAPE NG TRICYCLE DRIVER NA KANYANG SINAKYAN


DAGUPAN CITY, Pangasinan - Arestado ang isang 25-anyos na tricycle driver matapos gahasain ang isang 13-anyos na babaeng estudyante na papasok na sana sa paaralan ng Dagupan.

Ayon sa Dagupan City Police Station (DCPS), hindi muna kinilala ang suspek na dahil sa ginagawang follow-up investigation.

Samantala, ang biktima na nakilalang so Leah (hindi tunay na pangalan) ay tubong Calasiao, Pangasinan.

Ayon sa DCPS, sumano ng tricycle ang biktima para pumasok sa kanyang paaralan ngunit ang suspek ay nag-iba ng ruta at dinala ito sa isang fishpond at doon mismo siya ginahasa ng sa loob ng tricycle.

Sinabi ng mga awtoridad, matapos gahasain ay iniwan na lamang ang biktima sa Lucao District, Dagupan City.

Ang suspek ay nakakulong ngayon sa DCPS jail at kasong rape ang isinampa sa kanya.

✅Ang Isyorya ay mula sa ABANTE NEWS ONLINE
Sinulat ni ALLANBERGONIA

Comments