OLONGAPO CITY - Inilunsad sa lungsod na ito ng pamunuan ng Philippine National Police sa pangunguna ni PNP Regional Director P/BGen. Rhodel O. Sermonia kasama sina Olongapo City PNP sa pangunguna ni Olongapo City PNP Director
P/Col. Benjamin DL. Sembrano at Zambales PNP sa pangunguna naman ni PNP Provincial Director P/Col Ponce Rogelio I. Penones ang Joint Industrial Peace Concerns Office o JIPCO.
Ang JIPCO ay isang programa na may ugnayan sa komunidad, manggagawa at ng Kapulisan katuwang ang Philippine Economic Zone Authority.
Sa pangkahalatan ito ay ang pagbibigay ng proteksyon para sa mga kumpanya kontra sa mga manggawang nagpaplano ng malawakang pag aaklas at panggugulo ng mga grupong makakaliwa.
Ang JIPCO din ay tumutulong para humimok sa mga negosyanteng dayuhan na magnegosyo o mamuhunan sa Bansa ng ligtas sa ano mang kaguluhan.
Layunin din ng JIPCO na mapagprotekta ang kapakanan ng paggawa, karapatang paggawa, at mga pakinabang sa industriya, nang hindi isinasakripisyo ang kapayapaan sa industriya. Ito rin ay isang mekanismo ng pagpapatupad ng batas upang matugunan ang mga pang-industriyang mga krimen tulad ng pagpaparusa, pag-hijack, at teknikal na smuggling.
Ang programa ay dinaluhan ng Chamber or Commerce ng Subic Bay Freeport Zone, Metro Olongapo Chamber of Commerce (MOCCI) at Ilang mga LGU’s officials Olongapo at ng Zambales.
Comments
Post a Comment