3 PATAY, 1 SUGATAN SA TRICYCLE VS VAN



IBA, Zambales - Isang tricycle driver at dalawang pasahero nito ang patay habang ang isa naman ay nakaligtas matapos mabangga ng isang van sa Iba, Zambales nitong Marso 7.


Base sa report ng pulisya, naganap ang aksidente dakong alas-11:00 ng tanghali.
Binabaybay ng driver ng van na si Florence Eclarino, 43, ang kahabaan ng Barangay San Agustin sa Iba nang biglang mawalan ng kontrol at mabangga ang tricycle na kasalubong nito.


arrival ang driver na si Angelito Nuñez at ang dalawang pasahero nito na sina Carlito Manuel at Vilma Nuñez habang ang kasama nilang si Bernardino Uncria ay nakaligtas na nagtamo lamang ng sugat katawan.
Samantala, wala namang nasugatan sa apat na pasahero ni Eclarino.

Comments