BAHAGI NG LALAWIGAN NG ZAMBALES NIYANIG NG 5.0 LINDOL


SAN ANTONIO, Zambales- Niyanig ng lindol na may magnitude na 5.0  ang  bayang ito kanina ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). 

Sa bulletin na ipinalabas ng Phivolcs ang lindol ay may layong 123 kilometro mula sa timog-kanluran ng bayang at sumusukat sa lalim na 27km na nagpayanig dakong alas-6:00 ng umaga. 

Wala namang naiulat na pinsala sa imprastruktura, ngunit posibleng may maganap na “aftershocks” ayon sa Philvolcs. 

Comments