Ulat mula sa ABANTE
Isa pa lang ang Vietnamese crew ang nasasagip sa 14 na unang napaulat na nawawala, kabilang ang isang Pinoy nang banggain ng Belize-flagged cargo ship ang fishing boat sa northeastern Japan, nitong Sabado ng gabi, ayon sa Japan Coast Guard.
Sa report, ang general cargo ship GUO XING IMO 9368118, ay lumubog sa Aomori Prefecture waters, northeast Honshu, Pacific, bandang ala-1:00 ng hapon, nang bumangga sa isang local fishing boat.
Ang 1,989-ton vessel, Guo Xing 1, na may sakay na 14 crew patungong Korea ay lumubog sa Pacific na may 12 kilometero ang layo mula sa baybayin ng Rokkasho. Nanatili namang nakalutang ang fishing boat.
Ayon sa coast guard, kabilang sa nawawala ay Pilipino, habang ang pito ay Chinese, lima ang Vietnamese. Isa namang Vietnamese crew member ang nasagip na.
May dalang 3,150 tons ng ‘metal scrap’ ang cargo ship mula Hachinohe sa Aomori Prefecture sa South Korea.
Wala namang naiulat na nasaktan sa 15 crew ng fishing boat na nagmula sa Hachinohe.
Comments
Post a Comment