SASAKYAN NG ACTRESS NA SI KIM CHIU, PINAGBABARIL




METRO MANILA - Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang salarin ang van na sakay ng aktres na si Kim Chiu sa Quezon City.

Papunta si Kim sa isang taping kasama ang dalawa niyang kasamahan nang mangyari ang insidente sa may bahagi ng Katipunan Avenue at C.P. Garcia Avenue.

Ayon sa driver ng aktres, nakarinig muna sila ng mga putok ng baril sa likod ng kanilang sasakyan.
Anya, hindi nila alam na sila na pala ang pinapaputukan ng gunman.

Sinabi ng driver na nakasakay sa isang motor ang suspek.

Wala naman nasaktan sa insidente, at agad dumiretso ang aktres sa taping matapos mangyari ang pamamaril.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa naturang insidente./BNFMN

Comments