TATLONG TULAK MULA SA ZAMBALES AT OLONGAPO ARESTADO SA P4.2MILYON HALAGA NG SHABU SA BULACAN



BULACAN - Arestado ang tatlong lalake  
makaràang magsagawa ng Buy Bust Operation ang mga pulis sa Brg, Santol, Balagtas, Bulacan kagabi. 

Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, Acting Provincial Director ng Bulacan, dakong alas – 9:00 ng  kagabi ng masakote ang mga suspek na nakilalang si John Carlo Villanobos ;23, No. 55 Rodriguez St., New Kalalake, Olongapo City, Renie Boy Cahanding alyas Badong;32, ng No. 501 Manangan St., Calapacuan, Subic, Zambales at Ely Buenaventura; 41, ng 24 Burgos St., Wawandue, Subic Zambales

Nabatid na ang tatlong nadakip ay kapwa kasama sa PDEA Unified Watchlist.

Dagdag ng mga owtoridad ang mga naaresto ay galing sa Baclaran kung saan dito galing ang mga hinihinalang shabu saka idedeliber sa lungsod ng Olongapo at bayan ng Subic sa Zambales. 

Dahil sa may biglang nagtext sa kanilang buyer mula sa lalawigan ng Bulacan, dumaan muna sila dito para pagbentahan ngunit hindi nila alam na ang nasabing buyer ay nagkataong inooperate din sa mga oras na iyon kaya sila natiyempuhan ng mga kapulisan na naging dahilan ng pagdakip. 

 
Na recover mula sa kanila ang isang weighing scale 2 malaking plastic ng shabu na binalutan ng packaging tape, at isang Mitsubishi Montero, silver gray na may plakang RMU 731 na gamit sa pagbibiyahe ng hinihinalang shabu.



Comments