CENTRAL LUZON- Itinaas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ng Region 3 ang redtide alert sa buong coastal area sa lalawigan ng Bataan at lalawigan ng Pampanga.
Ayon sa advisory na natanggap ng Subic Bay Pillars sa BFAR sa isinagawang pag-aaral nito sa shell fish meat sa dalawang lalawigan umaabot sa 580 micro grams sa 120grams na meat sample mula sa Bataan habang sa 840 micro grams naman sa Lalawigan ng Pampanga sa 100grams na kinuhang sample meat, na nangangahulugang pasok ito at positibo sa tinatawag na paralytic shellfish poison.
Binalaana naman ngayon ng BFAR ang buong publiko na iwasan munang mamili o kumain ng mga shellfish.
Samantala, matatandaan na noong nakaraang taon din at parehong buwang din ng Nobyembre ay itinaas din ang alert ng redtide sa lalawigan naman ng Bataan.
Comments
Post a Comment