7 MIYEMBRO NG BORACAY DRAGON BOAT TEAM PATAY MATAPOS LUMUBOG ANG BANGKA


BORACAY - Patay ang pitong miyembro ng Boracay Dragon Boat Tem matapos lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa Boracay kanina.

Nangyari ang insidente sa Sitio Lingganay ng barangay Manoc-manoc dakong alas-7:40 ng umaga.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) ang miyembro ng Boracay Dragon Boat team ay may kabuuang 21 na sakay ng bangka.

Subalit, labing-apat sa mga ito ang nakaligtas sa insidente at nilalapatan ng lunas sa Saint Gabriel Hospital.

Comments