P50M KADA PINAPALAYANG CHINESE DRUG LORD, IBINUNYAG NG ISANG EX-CIDG CHIEF

RET. PNP - CIDG CHIEF BENJAMIN MAGALONG


BAGUIO CITY - Ibinunyag ni dating Philippine National Police Criminal Investigation and Detection (PNP-CIDG) chief na si Benjamin Magalong ang umano’y bayaran kapalit ng paglaya ng mga Chinese drug lord na kanilang nahuhuli.

Ayon kay Magalong, na ngayon ay kasalukuyang mayor na ng Baguio City, tinawag na ‘Agaw Bato’ ang modus sa pag-aresto ng mga Chinese drug lord ngunit hindi para ikulong, kundi para gawing ransom.

“Part of their modus operandi is to arrest Chinese drug traffickers, and seize illegal drugs. They would later free them in exchange for money and arrest another Chinese national as replacement of the freed drug trafficker,” ayon kay Magalong.
“Yung nahuli nilang Chinese ipapatubos ho nila yan, let us say mga P50 million…The latest that I investigated, it amounted to about P50 million para tubusin nung sindikato ‘yung Chinese drug lord,” aniya pa.
Nabisto umano ito ni Magalong noong siya ay hepe pa ng CIDG, nalaman ang bawat iligal na aktibidad sa loob ng ahensya particular ang ilang personnel sa National Capital Region Police Office at Police Regional Office 3.(ABANTE)







Comments