BATAAN - Ipinagbabawal na muna ng BFAR-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ang paghango at pagbebenta ng shellfish sa baybaying dagat ng bataan.
Ayon ito sa kautusang pinalabas ni BFAR Regional Director Wildredo Cruz, matapos na magpositibo sa paralytic shellfish poison ( psp) ang mga shellfish na hango mula sa mga coastal towns ng lalawigan.
Kabilang sa mga apektadong bayan ay ang Mariveles, Orion,Limay , Pilar, Abucay, Samal , Orani, Hermosa at Balanga City.
Mahigpit na binabalaan ang publiko sa paghango, pagbebenta at pagkain ng ano mang uri ng shellfish tulad ng tahong at maging ang “ alamang”, habang hindi pa hinuhugot ng BFAR ang "ban declaration " para sa kaligtasan ng publiko sa shellfish poisoning. (Rod Izon)
Comments
Post a Comment