HIGIT 100 BABOY NA SAKOP NG 1KILOMETRONG RADIUS NA APEKTADO MG ASF KINUMPISKA NG DA

BULACAN - Isa-isang hinahakot ang mga biik na apektado ng African Swine Fever sa Brgy, Banga 1st Plaridel bulacan na isa sa 6 na bayan na tinamaan ng sakit.

Inilagay sa isang mini dump truck ang mga baboy na  apekatado ng ASF.

Unang pinuntahan ng culling team ng Municipal Agriculture ang 26 na biik mula sa SAYO farm kung saan isa isang ihinahagis sa truck ang mga baboy.

Kung saan naging pahirapan ang  paghuli sa mga native na baboy na ilang metro lang ang layo mula sa Farm na may ASF.

Tulong-tulong ang mga barangay sa panghuhuli at pag lalagay sa dump truck.

Ayon sa isang empleyado ng Agriculture,bago ang isasagawang pag cull,sa mga baboy inihanda na nila ang malalim na  hukay na pagbabaunan ng mga pinatay na baboy.

Ayon kay Jose Cordero may ari ng Native na baboy,napag-usapan na sa kanilang barangay na kailangang boluntaryong ibigay ang mga alagang baboy upang hindi na kumalat pa ang ASF. (Thony Arcenal)

Comments