Customs Comm. Rey Leonardo Guerrero.
PORT OF MANILA - Handa na ang Bureau of Customs sa planong isalang sa inquiry ng Kongreso o ng Committee on Trade and Industry ang usapin sa pagpapalusot o smuggling ng substandard na steel products dahil sa sabwatan ng mga opisyal ng bureau at steelmakers.
Tinitiyak ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa publiko ang pakikiisa ng ahensya sa naturang inquiry, at tutulong din sa pag-iimbestiga sa mga tauhan nito.
Aniya bahagi ito ng sinimulang imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at ng Kamara sa inisyatibo ni Agusan Del Norte 1st District congressman Lemuel Fortun.
Kasabay nitoy hinikayat ni Guerrero ang publiko na ipabatid sa kanyang tanggapan ang mga impormasyon patungkol sa illegal na aktibidades ng mga importer at mga broker at ng mga nakikipagsabwatan na kawani ng ahensiya.
Hiniling din ng Customs chief ang tulong ng industry experts upang makatiyak na masasalang mabuti ang lahat ng importasyon na papasok sa bansa.(Thony Arcenal)
Comments
Post a Comment