Cauayan City, Isabela- Patay ang isang pulis habang sugatan naman ang dalawa nitong kasama dahil sa naganap na engkwentero sa pagitan pwersa ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Burgos, San Guillermo, Isabela kanina.
Kinilala ang namatay na pulis na si Patrolman Henry Gayaman at ang dalawang sugatan na sina P/Cpl Edieboy Tumaliuan at Patrolman Alfred Taliano na mga kapwa miyembro ng Platoon 2O5th Maneuver Company.
Ayon sa report na ipoinadala sa Subic Bay Pillars News Online, dakong alas-5:28 kaninang umaga habang nagpapatrolya ang grupo ng kapulisan sa nasabing lugar nang biglang makasalubong at magka-engkwentro ang hindi mabatid na bilang ng kabilang grupo ng NPA.
Tumagal ng halos isang oras na palitan ng putok ng baril sa magkabilang panig na ikinamatay ni Gayaman at ikinasugat naman nina Tumaliuan at Taliano.
Tumagal ng halos isang oras na palitan ng putok ng baril sa magkabilang panig na ikinamatay ni Gayaman at ikinasugat naman nina Tumaliuan at Taliano.
Mabilis namang nadala sa pagamutan ang dalawang sugatang pulis.
Agad naman rumesponde sa lugar ang tropa ng 86th Infantry Battalion ng AFP at PNP 3rd Maneuver Platoon na nakabase sa Cauayan City para sa manhunt operation laban sa mga tumakas at naka-engkwentrong rebelde.
Comments
Post a Comment