Makikita sa larawan ang pagkadismaya ni Second District Congresswoman Cheryl Deloso-Montalla, matapos tumambad sa kanya ang naging resulta ng isang proyekto na kinontrata ng isang local contractor sa lalawigan na hindi dumaan sa kanyang pamamahala.
BOTOLAN, Zambales - Dismayado si 2nd District Congresswoman Chery Deloso-Montalla matapos mag site visit inspection ito sa ginagawang kalsada na sakop ng (Botolan-Capaz Tarlac) Road sa bayan ng Botolan kaninang umaga.
Ayon kay Montalla, may dalawa proyekto umano Dito na nagkakahalaga ng P400Milyon na hindi dumaan sa kanyang tanggapan at pinilit kunin sa kanyang pamamahala ang proyekto.
“Ayos lang naman sana sa akin yung ganon basta sisiguraduhin nilang maayos, pulido at pinag aralang mabuti ang proyekto, kaya nga nag sagawa ako ng site inspection para to make sure na pasok sa standard, pero nakita ko na dahil sa kahabaan nito hindi na pala sya madaanan dahil sira na pala ito, ani Montalla.
Samantala, sinabi pa ng kongresista na “I will personally voice this out and make the correct reporting to DPWH REGION 3 (since it was implemented by Region together with a local contractor here in Botolan) and also report to DPWH Central Office” .
Comments
Post a Comment