TOP 4 MOST WANTED SA GITNANG LUZON, ARESTADO SA BULACAN

              
BULACAN -  Arestado ng mga operatiba, ng 2nd Provincial Mobile Force at San Miguel Pulis ang top 4 most wanted sa buong Region 3.

Kinilala ang nadakip na si  Mario Samson Y San Juan, 65 anyos, mag-sasaka,ng Brgy, Maaligaya San Miguel Bulacan.

Ganap na alas-6:40 ng gabi nang madakip ang suspek sa Brgy, Poblacion San Ildefonso Bulacan na kabilang sa Sibat Target ng Pnp region 3.

Kung saan papatakas na sana si Samson,patungo ng Visayas,ng maharang ng mga pulis ang sinasakyan nito.

Nabatid kasi ni Samson,na aarestuhin sya sa Nueva Ecija kaya bumiyahe sya paluwas ng Maynila.

Kung saan may 2  syang kaso ng Murder at 3 kaso ng Frustrated Murder sa bayan ng San Miguel.(Thony Arcenal)

Comments