PHOTO CAPTION
Tinanggap ng limang kinatawan mula sa limang distrito ang cash card na simbulo ng loan assistance ng Sure aid Program kasama sina Gov.Daniel Fernando at Pres/Ceo,Cecilia Borromeo ng Landbank of the Philippines. (Photo By: Thony Arcenal)
BULACAN - Higit sa 700 mag-sasaka mula sa ibat-ibang bayan sa lalawigan ang makatatanggap ng loan sa mula sa Land Bank of the Philippines,katuwang ang Department of Agriculture at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.
Ginawa ang Grand launching na one time loan assistance sa Hiyas ng Bulacan Convention Center.
Ayon kay Gng. Cecilia Borromeo, President /Ceo ng Land Bank of the Philippines,aabot sa P15,000.00 ang loan assistance, na may kabuoang halaga na P10.5 M na maaring magamit ng mga magsasaka sa kanilang mga pangangailangan sa temang "Expanded Survival and Recovery Assistance and Cash Card" na Sure aid program.
Sinabi ni Borromeo, na walang interest at babayaran ito sa loob ng walong taon ng mga benipisyaryo.
Aniya mahigit na sa P600,000.00 ang nabiyayaan na magsasaka,sa ibat-ibang panig ng bansa.
Kasabay nito,y sinabi ni Bulacan Governor, Daniel Fernando, na magpapatayo sya ng Farmers Training Center, sa balwarte ng capitolyo para mas mapatatag ang hanap-buhay ng farmers.
Bukod sa tulong na ayuda,
Training,at equipments magiging malaki ang kinabukasan ng mga magsasaka..
Aniya bagama't inaasahan na ang pagkakaroon ng hunger sa mga pagkain at shortage ng tubig sa susunod na 30 taon kailangan itong paghandaan.(Thony Arcenal)
Comments
Post a Comment