NEGOSYANTE NG PETROLYO, PATAY SA AMBUSH, DRIVER, SUGATAN DIN



BULACAN-  Bigong maisalba ng mga doktor sa isang pagamutan,ang negosyanteng  si Jacob P Mora, alyas Dave,na tinambangan sa kahabaan ng Brgy, Iba National Road Meycauayan City.

Habang  nagtamo lamang daplis na  tama ng bala ng baril  sa kamay ang driver nito na nakilalang  si John Patrick Uzon,

Base sa inisyal na report na natanggap ni Pnp Provincial Director P/Col. Chito Bersaluna ,Flat ang dalawang gulong sa kaliwang bahagi ng furtuner na kulay Bronze brown na may plakang NBU 4105.

Nabatid na kagagaling lang sa bangko ng biktima, kung saan nag deposito umano ito ng higit sa P1.4 Milyong piso.

Habang binabaybay ang National Road ng Brgy, Iba,bigla na lamang humarang sa harap ng sasakyan ang isang Honda Civic na kulay pula na may plakang ZLR-351, lulan ang apat katao na kapwa armado ng M-16 at Cal.45 na baril, kung saan pinaulanan ng bala ng baril ang sasakyan ng negosyante,na naging sanhi ng maraming tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan na namatayan habang ginagamot sa isang pagamutan.


Matapos ang ilang minutong  ng pamamaril ,mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng kotse.
Lumitaw rin sa  inisyal na imbestigasyon si Mora, ay dati at kilalang tauhan umano ng negosyante ng produktong petrolyo sa gitnang Luzon.

Na recovered naman ng Soco, ang isang cal.45 at apat na magazine ng bala sa sasakyan ng biktima.

Nasa higit isang daang empty shell ng M-16 rifle at cal 45 ang nakuha ng Soco sa lugar at dalawang  empty magazine ng 30 rounds ng M-16.

Samantala may teyorya naman ang mga awtoridad na posibleng alitan sa negosyo ang dahilan ng pamamaslang sa biktima.(Thony Arcenal)

Comments