BULKANG AKTIBO SA BANSANG MEXICO, SUMABOG DIN

Photo: Reuters

MEXICO - Bumuga ng abo, lava, at bato ang Popocatepetl Volcano, ang pinakaaktibong bulkan ng Mexico, nitong Huwebes.

Nagbuga ang bulkan ng “katamtamang dami ng abo at incandescent o nagbabagang materyales” mula sa crater nito, ayon sa tweet ng National Disaster Prevention Center. 

Nagbunga ito sa ulap ng abo na umabot nang hanggang 3,000 metro, ayon sa Agence France-Presse.

Wala naman umanong nasaktan sa nangyaring pagsabog noong Enero 9, ayon sa mga awtoridad.

Hindi rin tinaas ang alert level (Yellow Phase Two) matapos ang pagsabog, na inuutusan ang mga residente na manatili 12 kilometro ang layo mula sa crater, at maghanda sa posibleng paglikas.

Hindi pa nagkakaroon ng matinding pagsabog sa higit sanlibong taon ang Popocatepetl, nangangahulugang “smoking mountain” sa wikang Nahuatl, ngunit nagpapakita na ito ng aktibidad sa nakalipas na 26 taon.

Isa ito sa mga pinakadelikadong bulkan sa mundo gayong 25 milyong katao ang nakatira sa loob ng 100-kilometrong radius nito.

STORY FROM:

Comments