PRODUKSYON NG MANGA SA ZAMBALES AT ILANG PROBINSYA SA GITANG LUZON POSIBLENG BUMAGSAK



IBA, ZAMBALES - Nababahala ngayon ang probinsya ng Zambales dahil sa unti-unting pagbaksak ng produksyon ng mangga sa lalawigan lalo na at paparating na ang panahon nito ngayong tag-araw.

Ito ang sinabi ni Zambales Provincial Agriculture Head Russel Quitaneg sa Abante matapos maglabas ng datos tungkol sa pagbagsak ng produksyon ng mangga ngayong taon, hindi lamang sa Zambales, kundi sa buong gitnang Luzon.

Ayon kay Quitaneg, isa umano sa pangunahing dahilan ay ang pabago-bagong panahon o Climate Change sa bansa, na kung minsan ay maulan at minsan naman ay sobra ang init ng araw.

Halimbawa na lamang nitong Oktubre at Disyembre 2019 kung kailan namumulaklak ang mga mangga at bigla na lamang bumubuhos ang malakas na ulan at may mga bagyo pang dumarating, at ‘pag natapos ito ay bigla namang napakainit ng sikat ng araw na nagiging dahilan ng pagkasira ng mga bulaklak.

Pangalawa pa ang pag-develop at pagkakaroon ng immunity ng mga peste na hindi na tinatablan ng mga pamatay nito, marahil ay sa mga ginagawang eksperimento at walang tamang kaalaman ng ilang mga contractor kaya ito nabuo, ani Quitaneg.

Dahilan din ang pang-aabuso umano ng mga contractor, na dapat ay minsan, isang beses lamang namumunga ang mga mangga sa loob ng isang taon, subalit pilit nila itong gjnagawang dalawa upang kumikita ng pera at hindi na binibigyan ng pagkakataon na makapagpahinga ang mga puno. Matapos umanong anihin ay iiwan na lamang ang mga ito at wala ng tamang pag-aalaga matapos pakinabangan, wika pa ng opisyal.

Kaugnay pa rin nito, nagsasagawa ng isang pag aaral ang Provincial Agriculture katuwang ang President Ramon Magsaysay State University (PREMSU) para sa tamang rehabilitasyon, productivity enhancement at proper cultural management practices na ipapakita at ituturo sa mga mango farmer sa lalawigan.

Samantala, sinisikap pa rin ng Department of Agriculture na makapagpabunga pa rin ng mangga sa darating na buwan ng Abril 2020, kung saan pinagdiriwang sa Zambales, nakilala sa pinakamatatamis na mangga sa daigdig, ang Mango Festival.

KINDLY CLICK THE LINK FOR FROM: ABANTE NEWS ONLINE
➡️https://tnt.abante.com.ph/climate-change-may-sala-sa-kumokonting-mangga-sa-gitnang-luzon/

Comments