Mula sa ABANTE News online
ROMBLON - Hindi magkandaugaga ang mga residente ng Barangay Sawang, Romblon, Romblon nang sorpresahin ng tambak na tulingan sa kanilang dalampasigan.
Bandang alas-8 ng umaga nitong Biyernes ay tumambad ang malalaking tulingan sa kanilang lugar na halos 100 megro lang ang layo sa kanilang pampang.
Kumuha ang mga mangingisda ng lambat para mahuli ang mga naglalakihang isda.
Luisito Manes mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Romblon ay hindi naman kakaiba ang pagpunta sa kanilang pampang ng mga tulingan.
Wala rin umano itong koneksyon sa naging pag-erupt ng Taal Volcano dahil malayo ito sa kanila, gayundin at wala naman umanong bulkan sa kanilang lugar.
Comments
Post a Comment