Click the link:
MANILA - Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa mga bagong fissure o bitak na nakita sa Taal Volcano kasunod ng pag-alburoto nito simula noong Linggo.
Ayon kay Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division chief Ma. Antonia Bornas, ang mga fissure na nakita sa bulkang Taal ay katulad noong 1911 na nagresulta sa ‘explosive eruption’.
“Ito pong fissures na ito or fractures, ito po ay nangyari din nung 1911 na pagputok ng bulkan bago po nagprogress sa climactic o explosive eruption,” saad ni Bornas sa press conference nitong Martes.
Nasilayan umano ang mga bagong bitak sa Sinisian, Mahabang Dahilig, Dayapan, Palanas, Sangalang, at Poblacion sa Lemery, Batangas; Pansipit sa Agoncillo, Batangas; Poblacion 1, 2, 3, at 5 sa Talisay, Batangas at sa Poblacion sa San Nicolas, Batangas.
“Ito pong mga na-observe natin na tuloy-tuloy na paglindol na malalaki, kasama ng fissuring o mga panibagong fissures, naghuhudyat po na meron talagang magma na umaakyat pa sa Taal,” aniya pa.
Comments
Post a Comment