Photo Caption: Ganito na ang sinapit ng Lemery River ngayon
Ang dating tubig sa Lemery River
TAAL, BATANGAS - Nababahala na ang lahat ng residente sa iba’t ibang bayan sa Taal Batangas dahil apat na araw na simula ng pumutok ang bulkang Taal ay hindi pa rin bumubuti ang sitwasyon sa lugar.
Ngayon lamang umaga ay ikinagulat ng mga residente ang biglang pagkatuyo ng ilog sa bayan ng Lemery at inaatasan ang lahat na magsagawa ng Force evacuation sa lugar.
Matatandaan na kahapon lamang ay napaulat ang biglaan pagkatuyo din ng Pansipit River, ayon sa mga residente ay nakakapamingwit pa raw sila ng isda kahapon ng umaga sa ilog, gayon din sa kabilang ilog sa katabi nitong barangay.
Sinabi ng mga residente dito na nakakahuli pa raw sila ng iba’t ibang isda na pang ulam tulad ng tilapya na mula pa sa Taal Lake subalit nagulat na lamang sila ng bigla na itong natuyo kinahapunan.
Samantala, isa pa sa ikinababahala ng mga residente dito ay ang pagdami ng biyak sa lupa sa kanilang lugar at ang pag angat nga mga kalsada.
Ayon sa PHILVOLCS ang nasabing pagbiyak ng mga kalsada ay sinyales ng pagdami ng MAGMA sa mula sa bulkan at napipintong mapaminsalang pagsabog ang magaganap na delikado sa lahat ng residente dito na isa ring tanda na ipinakita ng Taal noong huling sumabog ito taong 1911.

Ilan dito at ang mga reaksyon ng mga residente dito hinggil sa Force Evacuation :
Comments
Post a Comment