IKALAWANG KASO NG CORONA VIRUS SA BANSA, KUMPIRMADO

Kinumpirma ngayong Linggo ng Department of Health (DOH) ang pangalawang kaso ng novel coronavirus (2019-nCoV) sa bansa.

Nagpositibo rin ang 44-anyos na lalaki na kasama ng 38-anyos na babaeng Chinese, ang unang nagpositibo sa virus sa bansa,

Gayunman, ayon sa DOH, namatay kahapon, Pebrero 1, ang nasabing lalaki. Stable ang lagay nito noong mga nakaraang araw.

Samantala, naka-isolate at nagpapagaling pa ang babaeng pasyente sa San Lazaro Hospital sa Manila.

Ang dalawa ay parehong galing sa Wuhan, China, at dumating sa bansa mula sa Hong Kong.

Ayon din kay DOH Secretary Francisco Duque III sa press briefing ngayong Linggo, Pebrero 2, 24 ang nagnegatibo sa 31 persons under investigation (PUI), at dalawa ang nagpositibo. Sinusuri pa ang iba pa.

Tiniyak naman ng DOH na “nakahiwalay ang parehong nagpositibong pasyente” at “all health personnel who came into contact with them practiced stringent measures.”

Ugaliing mag asa ng ABANTE:
Ang balita ay mula
sa: https://tnt.abante.com.ph/ikalawang-kaso-ng-wuhan-coronavirus-sa-pinas-kumpirmado-doh/

Comments