SHANGHAI, China - Nakumpirma ang mga dahilan para maisalin o makahawa ang sakit na novel Corona virus ay sa pamamagitan ng direktang pakikisalamuha sa may dala ng virus, pakikipag contact sa mga infected at ang pagsama nito sa hanin o ang tinatawag nating “Aerosol” o paglanghap sa hangin na may dalang virus mula sa mga infected person, ito ang sinabi ng isang opisyal mula sa bansang Shanghai kahapon (Sabado)
Ang “aerosol” ay tumutukoy sa paghalo ng virus sa molecules ng hangin mula sa taong infected at sasama sa hangin hanggang sa makabuo ito ng itinatawag na “aerosol” hanggang sa sumasama ito hangin at magdala ng impeksyon, hanggang sa malanghap na ito ng nga tao sa paligid nito, ayon sa mga eksperto sa medikal," na si Zeng Qun, representante at leader ng Shanghai Civil Affairs Bureau.
Dahil dito, nanawagan kami sa publiko na itaas ang kanilang kamalayan sa pag-iwas at pagkontrol ng sakit, binabalaan ang lahat na umiwas muna o lumiban muna sa mga pagtitipon ng pamilya at pamamasyal sa mga lugar na alam ninyong matao, para maiwasan ang mabilis na pagkalat ng virus, ayon kay Zeng.
Ipinaliwanag ng mga eksperto na ang direktang paghahatid ay tumutukoy sa impeksyon na dulot ng paglanghap ng hangin na malapit sa isang pasyente na bumahing at umubo, isa pa sa paraan ng paghahatid ng virus ay ang paghipo ng isang taong may dala ng virus sa isang bagay na nahawakan at nababahingan, hanggang sa ito ay mahahawakan ng iba at maidadampi nila kanilang bibig, ilong at mata.
Hinikayat ng gobyerno ang mga residente na iwasan ang mga pagtitipon, magbukas ng mga bintana upang makatulong sa bentilasyon, magsanay ng mahusay na personal na kalinisan at regular na mai-disimpekto ang kanilang mga tahanan, lalo na ang mga lugar tulad ng mga hawakan ng pinto, hapag kainan at mga upuan sa banyo.
Comments
Post a Comment