Matapos painumin ng mga gamot para sa flu at HIV, nagnegatibo sa mga test ang isang pasyente sa Thailand na na kumpirmadong may novel coronavirus (2019-nCoV).
Sinabi nitong Linggo, Pebrero 2, ni doctor Kriengsak Attipornwanich ng Thailand Health Ministry na 48 oras matapos bigyan ng kombinasyon ng mga anti-viral, nagnegatibo sa 2019-nCoV ang 71-anyos na pasyente.
“The lab result of positive on the coronavirus turned negative in 48 hours. From being exhausted before, she could sit up in bed 12 hours later,” ayon kay Kriengsak sa ulat ng Agence France-Presse.
Pinagsama ng mga doktor ang anti-flu drug oseltamivir at mga panggamot sa HIV na lopinavir at ritonavir.
Sa ngayon, ayon sa doktor, inaantabayanan nila ang research results para mapatunayan ang nalaman.
Hanggang nitong Linggo, nasa 19 na ang kumpirmadong kaso ng 2019-nCoV sa Thailand: 11 ang nananatili sa ospital habang walo ang gumaling na at nakauwi sa kani-kanilang mga tahanan.
Karamihan sa mga kumpirmadong kaso roon ay mga turistang Chinese, liban sa una nilang human-to-human transmission: isang Thai taxi driver na hindi pa nakabibiyahe sa China, ngunit posibleng nakahalubilo ng mga turista.
Ang istorya ay mula sa : http://tnt.abante.com.ph/wuhan-coronavirus-patient-sa-thailand-gumaling-sa-gamot-pang-flu-hiv/
Comments
Post a Comment